JordzZZZZ :)

ABOUT
Hi there! I am a simple person with a simple ambition but having an extraordinary life.
If you have any questions about me then just simply ask me :] I will answer you with all my heart ! <3
........ CUT ........ :]
just feel free to explore my box... :] godbless!

LINKS

SEARCH
PHOTO
→ REBLOG
this made me laugh! hahahaha

this made me laugh! hahahaha

simula bata pa lang ako (talagang mula pagkabata db!haha)hilig ko na talaga ang magpaikot-ikot kung saan-saan gamit ang bisikleta. Imagine, natuto ako gumamit nito ng pahiram-hiram lang kung kani-kanino? haha minsan pa nga daig ko pa yung may ari kung makagamit nito eh, pero di ko un kinakahiya, isa kasi yun sa mga pagkakataong nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa kakapalan ng mukha ko. haha mayroon ding mga pagkakataong pag minalas-malas ng pagmamaneho babangga ka pa kung saan-saan at ang matindi si-semplang ka pa (kahiya-hiya nomon -_- ) haha. 

May moment pa pala ako na nakikipagkarerahan nung bata ako tapos nakagitgitan ko ung magandang van, ayun! nagasgasan! haha pro siyempre dahil bata pa ako noon at medyo mabilis mg-isip, bago bumaba ung may-ari para kagalitan at pagbayarin ako sa nagasgas ko, eh agad akong  nag bike ng mabilis papalayo at papatago (as in agad-agad!) sa  van, at ayun! tentenenen… di nila ako nakita. umuwi na lang ako ng bahay at kunwari walang nangyari. :] hahaha

(serious toh) Ang bike parang buhay yan, minsan mag-isa ka lang sa patutunguhan mo minsan naman may nakikiangkas sayo. Pero ang pinaka importante, may kasama ka man o wala, marunong ka dapat tumayo ng walang hiya-hiya sa pagkakataong sumemplang ka! dun ka kasi matututo para di na muli mangyari sau yun (duduguin, damang-dama laang!haha). May mga pagkakataon din namang marami kang kasabay pero iiwan ka din (mga FC ng buhay tawag jan), may ilan din namang matitira para samahan ka pero pag di mo sila sinabayan maiiwanan ka din at muli kang mag-iisa (mga short-time friends kumbaga! haha). hmmmmm? kaya dapat laging handa yung “brake” mo dahil kakailanganin mo yan sa oras na alam mo ng wala ng patutunguhan ang tinatahak mong daan, kumbaga “next way” naman, kasi malay mo, sa paglipat mo ng landas nanduon pala yung “joyride” na hinahanap mo. (ansabee?)

ok move on na sa drama, yung totoo kaya meaningful sa akin ung picture kasi yan yung very first bike ko na nabili (sponsor ni daddy) at hindi ko pa siya nagagamit (wag na alamin kung keln ko siya binili matatwa ka lang na ngayon lang)  :) ang saya ko di ba? haha at talagang ni-blog ko pa siya! Hindi ko nga alam ano pangalan niya  eh (OA? may pangalan tlga..bruno kaya? haha) siguro “kimber” n lng, yun ung nakasulat sa gilid niya haha (parang, “adopt me, I’m toot” sa blue magic di ba?) hahahaha!

Woah! ang dami ko sinabi sa sobrang excitement ko sa bike haha pero ewan ko ba kanya-kanyang trip lang talaga siguro haha db? sumang-ayon ka! haha so, paano byee na muna hanggang sa muli mga pipzies.

P.S.

I hope to create more stories as I start to use “kimber.”

wag sana siya masira agad-agad! haha! ;) 


> At talagang may BALOT pa SIYA! haha laptrip! haha


AUDIO
→ REBLOG
[Flash 9 is required to listen to audio.]
3 weeks ago  5,452 plays

 kanina sa SM calamba bago kami manuod ng tita ko ng the avengers, may nakasalubong kami, itago natin siya sa codename na “bag” grabe, ang cute niya ngumiti at napaka approachable pa nung kinakausap siya nung tita ko sa pilahan ng ticket! sayang, hindi ko nagawang kausapin din siya at sayang ulit kasi sa ordinary lang kami tapos sa 3D siya…haay sana nag 3D na alng din kami para pwede kong piliin yung upuan kung saan malapit kami sa kanya pero nangyari na hindi na pwede umangal. Pero, alam mo yung pakiramdam na parang itinakda talaga kaung magkita? (? nakakatwa di ba?).

 Pagkatapos namin manuod, gulat ako ng maksalubong ko siya sa may papuntang CR… nag ngitian lang kami pero siyempre, nanghinayang na naman ako dahil hindi ko na naman siya nakausap, kaya hinayaan ko na lang siya, pero habol tingin ako sa brown na bag niya. Sinubukan kong habulin siya (siyempre lumabas muna ako ng CR haha) pero di ko na nagwang makita pa siya, bigo ako (ahhh…sad di ba?).

 Habang malapit na kami sa pinto palabas ng mall, naisipan ko pang ayain si tita na maglibot ulit (siyempre may pakay ako), hindi naman ako nabigo dahil habang na sa escalator kami going to the second floor, nakita ko siya na naka tambay lang sa may corridor at mag isa lang… nakangiti siya habang hawak phone niya at napangiti din ako (nahawa ako eh..kakilig kaya haha) pero again, sayang kasi di ko ulit siya nakuhang kausapin, kunwari hindi ko siya nakita nang dumaan ako sa harap niya, baka kasi mahalatang sinusundan ko siya (stalker lang?!).

 Gusto sanang kunin ni tita ung pangalan ni bag pero sabi ko “wag na, nakakahiya kasi”, kaya ayun, umuwi na lang kami.  Pero habang naglalakad kami pauwi nananalangin ako na sana makasalubong muli namin siya pero hindi un nangyari.

 Di ko man siya nakausap o nakilala man lang, naniniwala pa rin ako na makikita ko ulit siya at sana sa pagkakataong yun, makilala ko na siya.  

 Hope to see you soon “bag.” :]

AUDIO
→ REBLOG
[Flash 9 is required to listen to audio.]
1 month ago  11 plays

   Gash! I  have an appointment with my mom’s bosses, I dunno how to approach them since they came straight from North America. Will I make a good impression to them? or otherwise, bad? Whatever! All I have to do is to be myself when I talk to them. In fact, they’re just here to see me and my family but in reality, it’s just me because, my family is not with me for quite such a long period of time, why? because they work abroad. But anyway, I will be with my neighbor when I face them so I will need no nervousness in my body as I encounter them later. Oops! why am I telling this to you guys? simply, nothing. I just want to share what I will be doing today. So please wish me luck because if I do something wrong, then my mom’s job would be affected and probably, might be INFECTED as well! haha lol :D

P.S. Let’s not forget to reflect before the holy week ends though we are too busy doing so much activities within this lent season. Remember, Jesus saved us by sacrificing his own life so at least show him that we are worth-saving. God bless everyone!

#blahblahblah #postpostdin

QOUTE
→ REBLOG

AUDIO
→ REBLOG
[Flash 9 is required to listen to audio.]

Thank you for the broken heart!

thank you for the permanent scar…lol :C

1 month ago  10 plays
AUDIO
→ REBLOG
[Flash 9 is required to listen to audio.]
1 month ago  5,266 plays

Elimination na naman sa upuan ang aming na sa isipan pag pasok sa room na aming pagkukuhaan ng PreFi EXAM!

pito kami sa table subalit apat lang ang dapat matira. Sino kaya ang papayag na matanggal sa lamesa at papayag na ilipat sa ibang table at mawawalan ng kasama habang kasagsagan ng exam? wala di ba… kaya minabuti naming mag tanggalan, “MAIBA ALIS” ang eksena namin…

…nakakakaba, 

…nakakatakot,

…at nakakaiyak ang maaaring maganap (OA di ba..hahaha)

hahahaha!

“maibaaaaah… Alis!”

yun ang hudyat nA MAY natanggal na sa unang lamesa ng walang angal…ngunit labag sa kalooban. In fairness, maraming trials ang ginawa namin dahil matindi ang labanan. hanggang… tatlo na lang kami (kimi, jontham at ako) na natira….. at closed eyes pa kami para walang dayaan….(heart beats 4 3x …dug dug.. dug dug.. dug du.. dug.. dug at YUN!

…..salamat at hindi ako ung natanggal…! 

(PANANDALIANG KATAHIMIKAN ANG LUMIGID SA AMIN…ng biglang…)

“TARA, mag botohan pa tayo kung sino matatanggal sa inyo..” sabi ni GJ sa ikalawang lamesa kung saan sobra pa pala sila  mica, aira, claud, leah at russel ng isa.

DUN nagsimula ang eliminasyon sa pamamagitan ng botohan o TRIBAL COUNCIL…

lahat ay tutok sa magaganap na botohan bagamat alam na namin sa unang mesa (jordel, kimi, lyn at mabel) kung sino ang matatanggal sa kabila… SI MICA.

tawawanan at ingay ng paligid ang tanging maririnig kaya naman sa ilang saglit… may isang tinig kaming nadinig na pumawi sa ingay namin at nagdulot ng matinding katahimikan sa paligid….

“grabe ang iingay niyo, para kayong na sa palengke… 

I will not give exam today….and that’s FINAL. You may now leave this room.”

sabi ng aming guro.

……….

dahil don, hiyang hiya kami at humingi ng tawad …. at yun nga, pinangaralan kami ng aming pangalawang ina at na cancel ang exm namin ngunit ni re-sched naman.

Yes, we became too noisy and playful by that time but, we were not denying that we had done something wrong by unintentionally abusing the freedom that we had then.

Anyway, we learned that we must be sensitive to our environment and that, there is a proper place for some certain acts such as to what we were doing right then. 

ayooon….. NATAPOS NA  nung thursday ang exam namin kay mam na supposedly ay pang monday at hindi na siya galit sa amin. yehey! :]

P.S. si ate hanie, gj at santi ang natanggal sa unag mesa haha

#remarkable 



STAY CLOSE THEME BY: FUCKYEAHADEK POWERED BY: TUMBLR